Pages

Thursday, January 6, 2011

Ang Tren Ng PNR...

First time akong nakasakay sa bagong tren ng PNR. Di tulad noon, maliit yung mga coaches nila. Parang nakasakay ka sa LRT, yun nga lang nasa lupa ka nagbibiyahe. Di tulad noon, airconditioned ang loob. hindi ka na mamroroblema sa katawan mong pinahiran ng Chanel No. 5 dahil hindi na makakapasok ang maruming amoy ng siyudad. Noong sumakay kami ni nanay at ng dalawang kong kapatid na babae, okay naman yung ambiance noong umaga. Nakatiyempo ako ng upuan sa tren kaya prente ako sa pagdungaw ko sa bintana.
Maluwag na yung riles. Wala na yung mga squatters na nagpapasakit sa mata ng mga commuter ng tren. Kaso napuna ko lang yung mga estasyon nila, parang hilaw pa yung pagkakagawa. Yung iba, walang bubong na magsisilbing panangga sa tindi ng init ng araw dulot ng global warming.
Iba naman ang usapan pag-uwi. Halos "sardine mode" na kami sa isang coach sa dami ng mga sumakay. Halos mga lalake yung mga sumakay na siyang dahilan ng pagsisikip. Sa di-mahulugang-karayom na dami ng mga nakasakay, nag-halo na yung amoy ng anghit at pawis nila(mukhang nakalimutan ng management na isama sa mga ipinagbabawal yung mga may anghit at pawis). Halos lumiyad na ako sa sobrang sikip namin. Katabi ko yung babaeng nag-rorosaryo( na hindi ko alam kung talagang-nagrorosaryo o natutulog lang). May bata akong katabi na halos muntik nang mag-meditate at mag-yoga dahil pinipilit niyang mag-fit sa tren sa dami namin(naisip ko tuloy kung siya yung kumakanta ng "Bulilit,Bulilit, sanay sa masikip...." sa komersyal ng pabahay). Meron din akong katabing lalake na feeling niya ang pagsabay sa awitin na pinapatugtog sa tren.
Sa wakas ay nakarating kami sa Alabang matapos ang kalahating oras. Matiwasay akong lumabas sa tren. Walang panganib at anumang disgrasya, maliban na lang sa iniwang souvenir sa akin na amoy ng pawis ang anghit galing sa mga lalakeng pasahero.

No comments:

Post a Comment