Pages

Monday, January 24, 2011

The Week That Wasn't

SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.

Yung feeling ko nung nakaraang linggo. Nahulog na yung jina-juggle ko. Nagkasabay kasi yung birthday ng isang kapatiran namin sa simbahan at yung mga dapat kong gawin sa school. Halos nabuhos ko yung buong linggo sa kahahanap ng lyrics at chords para sa mga kakantahin namin noong Sabado. Tuloy, wala akong assignment sa dynamics(pakonsuelo na lang na may naisagot ako sa quiz nung Lunes), wala akong quiz sa feedback and control systems nung Biyernes, at wala akong quiz sa energy conversion noong Sabado.
PERO DI BALE, ISANG SAYAW LANG ANG KATAPAT NIYAN.

SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.
SABOG KA NA NAMAN.

(Post script: Yung music ng "SABOG KA NA NAMAN" ay hango sa "THE FUNK PHENOMENON" ni Armand Van Helden. Sumikat na dance craze ito noong 1990's. Kung sinasayaw mo pa rin ito, malamang jologs ka pa rin hanggang ngayon.)

Monday, January 17, 2011

MABILISANG BLOG: SALA BY PUPIL

Kung bakit ko nagustuhan ang kantang ito, hindi ko alam. Isipin mo na lang nanonood ka ng children's show sa tv at naisipan nilang gawing theme song ito...






ISA LANG ANG IYONG MUNDO. WAG MONG TATAPUSIN.

Saturday, January 15, 2011

Ophiuchus

Balita sa tv kahapon ang pagbabago-bago ng mga zodiac signs ng tao. Napaka-big deal para ibalita kesa sa mainit na usapin ng constitutional reform na mas kailangan ng bayang nag-hihingalo at nagdidiliryo sa hirap.
Ayon sa mga eksperto sa astronomy, nagbago ang posisyon ng mundo dahil sa paghatak ng buwan at hindi dahil sa kagagawan ni Atlas. Dahil doon, nagkaroon daw tayo ng ika-13 na zodiac sign, ang Ophiuchus( hindi siya ang pumalit kay Confucius).
Pero ayon sa mga astrologers, pakana lamang ang pagkakaroon ng 13th zodiac sign ng mga grupong uhaw sa publisidad. Siguro nga, baka binabalak pang pag-awayin ang mga nagpapahula at manghuhula.
Pero kahit anong pag-rarambol-rambol at pag-dadagdag ng mga zodiac sign, naniniwala ako na wala sa bituin ang sagot sa lahat ng problema ng mundo. Bakit pa kailangang sumangguni ang mga tao sa mga manghuhula para malaman ang magiging kapalaran nila? Bakit kailangan pang gumasta ng pera pambili ng diyaryo para makita nila ang kapalaran nila? At bakit pa kailangan magsayang ng airtime sa mga balita na may kinalaman sa kapalaran ng bansa at sa love life ni P-NOY?Makakatulong ba sila sa pag-unlad ng bayan?Sagot ba sila sa mahinang reception ng channel 23? At bakit ayon sa bituin ang kanilang ginagawang panghuhula? Di ba puwede ang galaw ng araw?ng buwan? ang pagbagsak ng mga meteor? ang galaw ng mga planeta? ang galaw ng Milky Way at ng buong kalawakan?
Apat na bagay lang ang kailangan: Magsipag, magtiyaga, magdasal, at uminom ng Banayad Whiskey.

Thursday, January 6, 2011

MABILISANG BLOG: Malupit Na Tren

Kung sa pasiksikan ng mga tren, walang sinabi ang mga tren natin sa tren ng mga Hapon. Eto ang eksena ng mga tren sa Japan.













ASTIG !!!

Ang Tren Ng PNR...

First time akong nakasakay sa bagong tren ng PNR. Di tulad noon, maliit yung mga coaches nila. Parang nakasakay ka sa LRT, yun nga lang nasa lupa ka nagbibiyahe. Di tulad noon, airconditioned ang loob. hindi ka na mamroroblema sa katawan mong pinahiran ng Chanel No. 5 dahil hindi na makakapasok ang maruming amoy ng siyudad. Noong sumakay kami ni nanay at ng dalawang kong kapatid na babae, okay naman yung ambiance noong umaga. Nakatiyempo ako ng upuan sa tren kaya prente ako sa pagdungaw ko sa bintana.
Maluwag na yung riles. Wala na yung mga squatters na nagpapasakit sa mata ng mga commuter ng tren. Kaso napuna ko lang yung mga estasyon nila, parang hilaw pa yung pagkakagawa. Yung iba, walang bubong na magsisilbing panangga sa tindi ng init ng araw dulot ng global warming.
Iba naman ang usapan pag-uwi. Halos "sardine mode" na kami sa isang coach sa dami ng mga sumakay. Halos mga lalake yung mga sumakay na siyang dahilan ng pagsisikip. Sa di-mahulugang-karayom na dami ng mga nakasakay, nag-halo na yung amoy ng anghit at pawis nila(mukhang nakalimutan ng management na isama sa mga ipinagbabawal yung mga may anghit at pawis). Halos lumiyad na ako sa sobrang sikip namin. Katabi ko yung babaeng nag-rorosaryo( na hindi ko alam kung talagang-nagrorosaryo o natutulog lang). May bata akong katabi na halos muntik nang mag-meditate at mag-yoga dahil pinipilit niyang mag-fit sa tren sa dami namin(naisip ko tuloy kung siya yung kumakanta ng "Bulilit,Bulilit, sanay sa masikip...." sa komersyal ng pabahay). Meron din akong katabing lalake na feeling niya ang pagsabay sa awitin na pinapatugtog sa tren.
Sa wakas ay nakarating kami sa Alabang matapos ang kalahating oras. Matiwasay akong lumabas sa tren. Walang panganib at anumang disgrasya, maliban na lang sa iniwang souvenir sa akin na amoy ng pawis ang anghit galing sa mga lalakeng pasahero.

Monday, January 3, 2011

BUS KO PO !

Nakakatakot nang sumakay sa bus ngayon. Sa tulin magpatakbo ng ng drayber, napapaisip ako tuloy kung nagpapanggap siyang drayber at bagkus isa siyang anghel na magdadala sa amin sa Langit( o isa pala siyang alagad ni Beelzebul).

Hindi na bago ang mga aksidenteng sangkot ang mga dambuhala at kumakain sa mga espayong mga bus. Kung hindi nakakabangga ng mga maliliit na sasakyan, parang may sariling pag-iisip at bigla na lang nawawalan ng preno o nahuhulog sa bangin.

Ang mga drayber, tila halata ang hirap ng buhay sa kanilang mga mukha. Para lang makaraos ang sariling pamilya, isinasantabi na ang sariling kaligtasan at ng iba pang gumagamit ng kalsada. Paano naman kasi? naka-depende ang suweldo nila sa dami ng mga pasaherong sumasakay araw-araw. Kaya ang resulta, singit dito, overtake doon. Pag lumalalim na ang gabi, nagmimistulang track ng Formula 1 yung mga kalsada dahil sa mga nag-kakarerahang mga bus. Di na alintana ang mga traffic warning devices, maka-una lang sa kikitain.

Ang dapat sana na serbisyo publiko sa mga mananakay ay naging negosyo ng iilang sakim na bus operators.

Kaya dapat na sigurong gawing fixed ang sweldo ng mga bus draybers natin. Kailangan din nating limitahan ang pamimigay ng prangkisa depende sa kapasidad ng ating mga kalsada. Kailangan na na rin kanselahin ang mga prangkisa ng mga operator na ayaw sumunod sa batas-trapiko. Wag lang basta suspindihin para madala. Kailangang ipamukha sa mga matitigas na ulong ito na hindi sila ang hari ng kalsada kundi AKO.

Pero habang nagbibingihan ang mga nasa gobyerno at mga operator ng bus, maya't maya na lang tayo makakakita ng mga gumagalaw na kabaong sa kahabaan ng EDSA. Nag-aantay ng mga pasahero dadalhin nila sa huling destinasyon.